Tuesday, May 6, 2008

Buhay enrollment...hai..

Hay, buwan na naman ng walang kamatayang enrollment. Eto yung panahon na tipong pag-uwi mo sa bahay ay gusto mo na lang uminom ng liquid sosa dahil natatakot ka na bigla kang resbakan ng mga estudyanteng sinita mo na mahaba ang buhok nila at kailangan nilang magpagupit dahil yun ang nakasaad sa kapirasong papel. Pero meron din namang masayang nangyayari pag enrolment days. Gaya ng lang ng pagsulpot ng mga katauhan na mula sa mga historical paintings and figures gaya nang: MOTHER AND CHILD, MONALISA, THE THINKER, THE ROCKSTARS at APOSTLES OF THE LAST SUPPER.

MOTHER & CHILD: sino ba naman ang hindi makakakita sa mga taong ito. Lalo na sa mga freshies. Kasa-kasama mula umpisa hanggang huli. Mula sa pagkuha ng checklist hanggang sa pagbabayad. Mas madalas pa nga na nanay yung kasama ng mga nag-eenroll na mga estudyante. Sila yung mga nanay na sobrang mahal ang anak na halos lahat, sila na ang gumagawa. Simula ata prep ay kasama nila ang nanay nila sa tuwing enrollment week. Hai...siguro nga naniniwala ang mga batang ito sa kasbihang..."Mothers knows best"

MONALISA: eto naman yung mga freshies (freshies lang, kasi may mga friends na ang mga higher years na susuporta sa kanila) na tipong inaapi sila ng mga taong kinakausap nila kahit hindi naman. Sasabihin nila, "ang sungit-sungit naman ni"...kahit ganun lang naman talaga magsalita yung tao. Minsan kasama rin nila yung mga nanay nila upang sila ang ipang-popronta sa mga enrollment officers.

THE THINKER: Ito naman yung mga freshies na laging wala sa sarili at kala mo laging nag-iisip...kung saan na ang next destination nila. Mahilig magtanong at minsan ang napagtatanungan pa nila ay yung mga di alam din kung saan na pupunta. Pero based on experience, meron din nito sa mga higher years. Eto yung mga estudyante na hanggang ngayon ay di pa rin kabisa ang pasikot-sikot ng enrollment. At muli, meron pa ring kasama ang mga nanay na sila namang magtatanung kung saan na ang susunod na kabanata ng paglalakbay nila.

THE ROCKSTARS: Simple lang to, compatible ito sa lahat ng mga estudyante. Mapa-freshy o senior ka pa. Eto yung mga estudyante na aakalain mong may phobia sa barbero at ayaw magpagupit ng buhok. Ipaglalaban nila na magpapagupit sila after ng enrollment (pero siyempre, hindi pwede yon) kaya wala na lang silang magagawa kundi magpagupit. Yun lang...

at ang huli sa lahat...

APOSTLES OF THE LAST SUPPER: Eto na ang suma ng lahat, pagsama-samahin mo ang apat na nabanggit at meron ka ng cast ng Last Supper. Eto yung tipong kasama ang buong baranggay sa pag-eenrol. Moral support ba. Sa mga freshies, kasama nila yung buong pamilya niya (nanay, tatay, kapatid, pinsan, tito, tita...etc.) pero kalahati ng mga kasama niya ay mag-eenrol din (buti naman) at minsan, kaya kasama ang buong pamilya ay dahil sa "P", ipapakiusap nila ang anak nilang hindi umabot sa score sa kinuhang entrance exam. At sa mga higher years naman, yung mga solid friends. Yung iba, GIRL POWER. Yung iba, BOY POWER at yung iba POWER RANGERS (Assorted ba. Boys and girls) At sa loob ng mga iyon, nakapaloob ang mga Monalisa, Thinker, at yung mga Rockstars.

Hai, buhay enrollment nga naman...nakakapagod pero masaya...Makulay ang mga personalidad na iyong makikita...Pero pa'no naman ang mga tao sa likod ng enrollment? Siyempre, unfair naman sa mga studs na sila lang ang binigyang pansin ko. Para fair (at para masaya)...NEXT ISSUE...ANG MGA OPISYALES NG ENROLLMENT...SILA NAMAN...hehehe...pasaway ba ko???;)


Monday, May 5, 2008

Nang biglang tumirik ang speedboat sa gilid ng bangin...

Nakakatawa mang isipin, di ba't parang nakakaloko ang title ng blog na'to...sa gilid ng bangin titirik yung isang speedboat? Eh di ba dapat nasa dagat yung speedboat? Eh ba't nasa bangin? Ganito kasi yon...dalawang mala-life and death situation and dating...

Una...ang extreme na pag-akyat sa Baguio ng aming university bus nung pumunta kaming Benguet. Bakit extreme? Kasi talagang nakabuo na ko ng isang buong chapter ng libro sa aking utak sa bagal. At ang isa pa, super usok lagi ang makina at ang matindi pa don, nasa likuran kami ng bus kung saan nakapwesto ang makina kaya lahat ng init...nasa amin. Para tuloy kaming mga steamed homo sapiens dun sa likod. At dahil nga sa sobrang bagal at laging umuusok ang makina at pag nasa zigzag na ay bumubwelo pa para lang makaakyat ay mapapaisip ka na lang..."pano kung biglang huminto at mahulog kami sa bangin?" yun bang tipong napapanod natin sa mga pelikula...ganun ka-extreme ba yung naiisip mo. Kaya nga nagbalak na lang kami na lakarin na lang namin hanggang tuktok hanggang maaga pa. Pero "never say die" pa rin ang aming university bus...at sa awa ng maykapal ay nakatuntong din kami ng Baguio at nakarating kami ng Benguet ng matiwasay (medyo high ako nun kasi nga, dami kong naiisip...hehehe)

At ang pangalawa...ang aming R&R sa isang beach resort sa Pundaquit, Zambales. Ok na sana ang trip eh. Masaya kahit medyo nagka-trapik papunta. pero ang pinaka-hardcore sa lahat ay yung biglang naubusan ng gasolina ang sinasakyan naming speedboat na dadalhin sana kami sa isang isla. First time kung sumakay ng speedboat kaya nerbiyos na nerbiyos ako. Malikot pa naman ang aking munting isip sa mga posibleng mangyari gaya ng...pagtaob ng bangka, biglang pagkakaroon ng gigantic tsunami, biglang paglitaw ni sharky (kahit alam ko namang wala) at ang biglang pagtirik ng bangka...na sa kamalaslasan at kaswerte-swertehan ay siyang nangyari...Sa kabila ng malalakas na alon ay biglang...ayun naubusan ng gasolina at kami ay pinaanod sa laot ng kawalan (di pa naman ako marunong lumangoy) . Pero naagapan din siya at kami ay nakarating din sa isang magandang isla sa likod ng mga bundok.

Pero hindi pa don natatapos ang lahat...pauwi naman sa aming tinutuluyang resort, wala pa siguro isang kilometro ang aming nalalakbay ay naramdaman ko na naman na tumigil kami. OO! Naubusan na naman ng gasolina. Naubusan ata dahil sa ginawa nilang boat show nung nasa island kami at hindi na nakapag-refill ng gasolina. And as usual, ang mga iniisip ko na pwedeng mangyari sa amin ay muling bumalik. Buti na lang at mabilis kaming nakaalis sa sitwasyong yon. At gaya ng sa Baguio, ay nakarating kami sa aming destinasyong ng matiwasay...

Isispin nyo nang Over acting yung iniisip ko, pero sa totoo lang, di nyo lang alam yung tumatakbo sa isip at damdamin ko ng mga oras na yan. Extreme na, hardcore pa...anu ba magagawa ko kung ganyan takbo ng munti kong utak...ASTEG!!!